Monday, September 28, 2015

PANIMULA


            Ang wikang Filipino ay nawawala na sa henrasyon ngayon dahilan para ang media, sa panahong kasalukuyan, ang maging sanhi kung bakit ang mga Pilipino ay nalalayo sa sariling wikang kinagisnan.


Ayon sa Limited Effects Theory (1940-1950), ang mga tao ang pumipili ng kanilang tatangkilikin, at kakaunti lamang ang impulwensiya ng media dito. Ang mga tao ang napili batay sa kanilang mga paniniwala at opinyon kaya hindi lahat  ng tao ay naaapektuhan sa pagbabagong ito, ngunit wala na tayo sa makalumang panahon. Sa panahon ngayon, halos lahat ng tao ay kayang magbago para lang makisabay sa mga sumisikat na bagay o sa ingles, ang tinatawag nila na “trend”; at sa bagay na ito, madalas mga kabataan ang sumusunod upang hindi sila mahuli sa mga bagay na sumisikat ngayon, at kasama na dito ang pagpapalit ng kanilang wika.


          Ang media ay isang instrumento para magpahayag ng mensahe at ng mga balita sa mga tao tulad ng radio, telebisyon, dyaryo, atbp. Noon, ang mga ito ay maayos na naiiulat sa wikang Filipino. Sa wikang naiintindihan ng mas nakakarami ngunit, sa panahon ngayon ang ilan ay ipinapahayag sa iba’t ibang lenggwahe. Ang halimbawa na lamang ay ang radyo na ang ilang mga “dj” ay madalas nagpapahayag ng balita sa wikang napapanahon at madalas, ang mga “dj” pa ay bakla kaya mas umiiral ang pagsasalita ng wika ng mga bakla kaya pati ang mga kapwa “dj”nila ay napapagaya na hanggang sa ang wikang ito na ang madalas nilang gamitin kaysa sa pormal na wikang Filipino.




MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN

“SARIWAIN ANG NAKARAAN, WIKA’Y MULING BALIKAN”


Ang wika ay natabunan sa kadahilanang ang kinagisnang wika ng mga tao sa panahon ngayon ay nakaayon sa modernong panahon. Kabilang dito ang paggamit ng mga pinapausong lenggwahe tulad ng jejemon at gay language. Gayun din ang mga makabagong salita na lumalaganap para ang isang tao ay sumikat. Samakatuwid, ginagamit nila ang mga ito para makilala o sumikat. Ginagamit din ito sa midya upang manghikayat ng mga tagapakinig para maging interesante at kaayaaya. At sa panahon ngayon, ang mga ito ang pumapatay sa ating sariling wika. Na kung saan kaya’t ang mga kabataan ngayon ay nawawalan na ng kagustuhan para matutunan ang mga historia n gating sariling wika, ang wikang Filipino.

Ang nais iparating ng titulo ng adbokasiya ay muling ibalik sa isipan ng mga tao ang kahalagahan at importansya ng wikang Filipino. Kung paano ipinaglaban n gating mga bayani ang ating kalayaan patungkol sa wika. At nais din iparating ng titulo na dapat manatili sa isipan ng bawat Pilipino na wikang Filipino ang unang lenggwahe na dapat matutunan ng lahat ng tao bago pa man sila gumusto o tumanggap at pag-aralan ang ibang wika.

RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN

Sa kasalukuyan, ating mapupuna ang paglaganap ng iba’t-ibang lengwahe sa lipunan tulad na lamang ng gay language, jejemon at iba pa. Ang isa sa mga nakakaimpluwensya rito ay ang malawakang paggamit ng media partikular na sa mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter at Instagram. Sa panahon ngayon, hindi maiiwasan ng kahit na sino ang maki-“blend-in” sa kung ano ang “trending” ngayon kung kaya’t ang tanging magagawa na lamang natin ay ang bigyan ito ng limitasyon nang sa ganon ay hindi mayurakan ang wikang ating kinalakihan at pilit na iniingatan. Malaki ang maitutulong ng adwikang ito sa atin sapagkat dito natin makikita ang kontribusyon ng wikang Filipino sa pag-unlad at pagkakaisa ng ating bansa. Sa pamamagitan nito ay atin ring malalaman kung paano ang tamang paggamit ng wikang Filipino sa pagpapahayag ng ating mga damdamin at saloobin sa social media at nang sa ganon ay hindi masira wikang pilit na pinagyaman ng mga naunang henerasyon.


Isa sa mga mithiin ng konseptong papel na ito ay ang imulat ang mga kabataan sa tamang pag gamit ng mga salitang kanilang natututunan sa mga social networking sites na usong uso ngayon. Hinahangad din ng konseptong papel na ito mabigyang kaalaman ang bawat isa sa kung ano nga ba ang kahulugan ng mga salita o lengwahe na kanilang natututunan nang sa ganon ay kanilang malaman kung angkop pa ba ang mga salitang kanilang ginagamit sa tuwing makikipag usap sila sa iba. Sa ganitong pamamaraan ay maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng bawat isa.


 Nang dahil sa mga naglalabasang makabagong lengwahe na siyang nagpapalawak sa bokabularyong Filipino, nalilimutan na natin kung papaano nga ba gamitin ng maayos ang sarili nating wika. Kung kaya naman ang pag-aaral na ito ay naglalayong: Una, ang matukoy kung ano nga ba ang papel ng media sa pag-unlad ng wika nang sa ganon ay magabayan ang bawat isa sa tamang paggamit ng wika. Ikalawa, ang mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan partikular na ang mga mag-aaral sa kung ano nga ba ang saloobin nila ukol sa nalaganap na makabagong lengwahe. Ito ay upang makapagbigay konklusyon sa pagbabago ng wika mula noon hanggang sa kasalukuyan. At ang ikatlo, ang makagawa ng konkretong awtput sa anyong blog nang sa ganon ay maipakita namin kung ano ba ang saloobin namin ukol sa isyung ito at nang sa ganon ay mapaalalahanan namin ang aming kapwa kamag-aral sa kahalagahan ng wika at kung bakit kailangan natin itong ipreserba at pangalagaan.




DISENSYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA





Makikita sa larawan ang pagkakaiba ng paggamit ng media sa magkaibang panahon, ang panahon noon at ang panahon ngayon. Noon, ang media ay nagpapahayag ng balita sa isang pormal na pananalitang pilipino, ngunit ngayon ang media na mismo ang nagpapakalat ng mga makabagong salita na ginagaya ng mga mamamayang pilipino at ito ang nagiging dahilan ng pagkalimot ng mga pilipino sa wikang kanilang kinagisnan.

Maipapahayag namin ang aming plano sa paraan ng isang bidyo. Sa pamamagitan ng isang 'survey' ay malalaman namin ang ibat ibang opinyon ng mga tao tungkol sa mga pagbabagong naidulot ng media sa ating wika. Kung ito ba ay nakabuti o mas nakasama pa sa ating lipunan.



BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA

Matapos mailimbag sa blog ang konseptong papel na ito, inaasahang makapagbibigay ito ng isang makabuluhang resulta. Una, inaasahan na sa pamamagitan nito ay maraming kabataan na silang pinakapokus ng adbokasiyang ito ang makakaintindi sa halaga ng wika sa kultura at kasaysayan ng ating bansa. Ikalawa, mabigyan impormasyon ang mga mambabasa ukol sa lumalaganap na mga makabagong lengwahe at kung paano ito makakaapekto sa pakikisalamuha natin sa iba at higit sa lahat ay ang paalalahanan ang bawat isa partikular na ang kabataan sa tamang paggamit ng wika ng sa ganon ay hindi mawala ang respeto natin sa bansang ating kinalakihan at upang maiwasan na din ang hindi pagkakaunawaan.


MGA HALIMBAWA

1. iwuD LLyK3 2 H3v 4 C4p 0V T34 ND Ch4T W1tH my Fwendzz. Jejejeje ---- I want to have a cup of tea and chat with my friends.
2. krung-krung – sira ulo, baliw
3. chaka, chuckie, shonget, ma-kyonget, chapter, jupang-pang – ugly
4. bongga, bonggakea – super to the max
5. jowa, jowabelles, jowabella – karelasyon, boyfriend o girlfriend
6. shontis – buntis
7. badet, dinga, dingalou – bading
8. adez, andabelz, adesa, anda, ka-andahan, andalucia – pera
9. akesh, akembang – ako
10. ditey, ditich, ditraks – ditto
11. hipon – maganda ang katawan pero panget
12. itich, itechlavu – ito
13. chanel -una na ko
14. mudra -mama
15. pudra -tatay
16. shupatid,jupiter -kapatid
17. julalay – alalay
18. junakis – anak
19. chaka, chapter – panget
20. okray –nasira
21. imbyerna – nainis
22. lukring –lukaluka
23. lafang –kumain
24. Shonga –stupid
25. eclavu -my love
26. echos –whatever
27. everloo –forever
28. Chabelita – chubby
29. Chiquito – maliit
30. Churchill – sosyal