Monday, September 28, 2015
PANIMULA
Ang wikang Filipino ay nawawala na sa henrasyon ngayon dahilan para ang media, sa panahong kasalukuyan, ang maging sanhi kung bakit ang mga Pilipino ay nalalayo sa sariling wikang kinagisnan.
Ayon sa Limited Effects Theory (1940-1950), ang mga tao ang pumipili ng kanilang tatangkilikin, at kakaunti lamang ang impulwensiya ng media dito. Ang mga tao ang napili batay sa kanilang mga paniniwala at opinyon kaya hindi lahat ng tao ay naaapektuhan sa pagbabagong ito, ngunit wala na tayo sa makalumang panahon. Sa panahon ngayon, halos lahat ng tao ay kayang magbago para lang makisabay sa mga sumisikat na bagay o sa ingles, ang tinatawag nila na “trend”; at sa bagay na ito, madalas mga kabataan ang sumusunod upang hindi sila mahuli sa mga bagay na sumisikat ngayon, at kasama na dito ang pagpapalit ng kanilang wika.
Ang media ay isang instrumento para magpahayag ng mensahe at ng mga balita sa mga tao tulad ng radio, telebisyon, dyaryo, atbp. Noon, ang mga ito ay maayos na naiiulat sa wikang Filipino. Sa wikang naiintindihan ng mas nakakarami ngunit, sa panahon ngayon ang ilan ay ipinapahayag sa iba’t ibang lenggwahe. Ang halimbawa na lamang ay ang radyo na ang ilang mga “dj” ay madalas nagpapahayag ng balita sa wikang napapanahon at madalas, ang mga “dj” pa ay bakla kaya mas umiiral ang pagsasalita ng wika ng mga bakla kaya pati ang mga kapwa “dj”nila ay napapagaya na hanggang sa ang wikang ito na ang madalas nilang gamitin kaysa sa pormal na wikang Filipino.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment